Kapag artista ang sugapa sa iligal na droga, lusot sa narco-list, 'pag purdoy tigok agad?!
- BULGAR

- Apr 9, 2019
- 2 min read
MGA ARTISTANG TULAK AT SUGAPA SA ILIGAL NA DROGA, PROTEKTADO? —May posibilidad na protektado ang mga taga-showbiz na sangkot sa iligal na droga kasi mismong si P-Duterte ang nagsabi na wala raw siyang planong ibulgar ang pangalan ng mga artistang tulak at sugapa sa iligal na droga dahil hindi naman daw sila public officials.
Ganu’n, eh, bakit ang mga maralita, hindi rin naman sila public officials, pero pinagsuspetsahan lang na sangkot sa iligal na droga, eh, patay agad? Hu-hu-hu!
◘◘◘
DAHIL KAILANGAN NG BOTO NG MGA RIDER, SUSPENDIDO MUNA ANG ‘DOBLE PLAKA’ LAW—Matapos lagdaan ni P-Duterte ang batas na “Doble Plaka” o mas malaking plaka sa harap at likod ng motorsiklo at magpakita ng galit sa batas na ito ang mga rider ay sinabi ng pangulo na sususpendihin daw muna niya ang pagpapairal ng batas na ito.
Malinaw ang sinabi ni P-Duterte, “sususpendihin muna” niya, may muna. Ibig sabihin, puwede pa rin niyang ipairal ang batas na ito.
Kumbaga, dahil kailangan ng mga kandidato niya ang boto ng milyun-milyong riders, sususpendihin muna niya ang implementasyon ng batas na ito at pagkatapos ng eleksiyon, marahil, d’yan na niya paiiralin ang batas na ito, period!
◘◘◘
BULOK NA SISTEMA NG BATAS SA PILIPINAS—Ang hatol ng Sandiganyan kay ex-Gov. ER Ejercito kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong katiwalian ay 6-8 pagkabilanggo at bawal na rin siyang manungkulan sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Pero, dahil kaalyado niya si P-Duterte, pinayagan siya ng korte na makapagpiyansa para pansamantalang makalaya at pinayagan din siya ng Comelec na ituloy ang kanyang kandidatura sa pagka-gobernador ng Laguna.
‘Yan ang bulok na sistema ng batas sa Pilipinas, pwe!
◘◘◘
“UNTOUCHABLE” ANG SAKLAAN NI ‘GASPAR’ SA QC—Patuloy pa rin daw ang raket na saklaan ni “Gaspar” sa Quezon City.
Kung ganu’n, “untouchable” pala ang raket ni “Gaspar” sa nasasakupan ni QC Mayor Bistek Bautista, buwisit!





Comments