top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hirit ng mamamayan, oportunidad na trabaho para sa mga Pilipino, kulang pa rin!

  • Ryan B. Sison
  • Apr 9, 2019
  • 2 min read

KASUNOD ng isyu hinggil sa kakulangan sa trabaho kung saan dawit ang mga Chinese na mas nagkakaroon pa umano ng oportuni­dad kaysa sa mga Pilipino, iminungkahi ni Senator Nancy Binay noong Linggo na tuluyan nang i-ban ang employment ng foreign cons­truction upang maprotektahan ang mga Pili­pinong manggagawa.

Ito ay dahil hindi umano makatarungan na ‘yung mga trabaho na dapat para sa ating mga kababayan, eh, napupunta lang sa ibang lahi.

Dagdag pa rito, hindi rin umano sapat na da­hilan na tumanggap ng mga Mandarin-speaking Chinese laborer dahil lamang sa mga kagamitang mayroong Chinese characters dahil kung ito lamang ang magiging basehan, maraming ibang paraan para ito ay maso­lusyunan.

Halimbawa, bakit hindi turuan ang mga Pilipino na alamin kung paano ito gamitin, hindi naman importante na maging magaling agad sila, ang mas importante ay ang matuto sila?

Kaya kung gusto nating umunlad ang ba­wat isa, unahin natin ang kapwa natin Pinoy dahil tayo dapat ang nagtutulungan para mas lalo nating mapaunlad ang bayan.

Sa totoo lang, hindi naman kinakailangan na tuluyan silang i-ban dahil maging ang mga Pinoy ay nakikinabang din naman sa iba’t ibang bansa kung saan sila naghahanapbu­hay, gayundin na karamihan sa investors natin ay mga foreigner, pero ang nais nating mang­yari, eh, unahin sana ang pagbibigay ng tra­baho sa mga Pilipino, lalo na at nandito tayo sa sarili nating bansa, huwag nating hahayaan na sa huli, tayo pa ang magmumukhang ka­wawa at sila ang mas umaasenso at kumikita ng malaki.

Pilipino muna, bago ang iba!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page