BACOOR, CALOOCAN AT SAN JUAN, MAY IBUBUGA SA METRO LEAGUE


DINOMINA ng home team San Juan, Caloocan at Bacoor ang kani-kanilang mga kasagupa sa 2019 Metro League Reinforced (2nd) Conference opener nitong Linggo ng hapon sa San Juan Gym.
Sa kauna-unahang laro nila sa M-League game nagpakitang-gilas agad ang neophyte na Bacoor Strike sa Serbisyo laban sa Pasigueño , 81-58.
Nakagawa si dating FEU import Prince Orizu ng 14 puntos sa bisa ng 7-of-10 shooting, eight rebounds sa loob ng 20 minutong aksiyon upang itarak ng Strikers ang 22-10 third quarter blast at itaguyod pa ang 33-41 halftime deficit sa 55-51 pagpasok ng final quarter.
Hindi na lumingon sina Mark Doligon at Mark Montuano sa naitarak na 14 at 12 points, nang manguna na sa 23 points at magawang magpakabog sa debut win ng 10-team M-League.
Samantala, nakabasket si import Eugene Toba Okwuchukwu ng 21 puntos at 10 rebounds habang si dating San Beda Red Lion Ryusei Koga ay may 13 points sa panig ng Pasigueños na nabigong panatilihin ang malakas na simula nang makauna agad sa 10 puntos sa first half.
Sa second game, ginulat ng Caloocan Supremos-Gerry’s Grill ang star-studded Manila-INGCO Stars, 120-102 sa likod ng balanseng atake ng PBA D-League standouts.
Nakagawa si Johnnel Rey Bauzon ng double-double 24 points at 14 rebounds habang si McArthur Enriquez, Kristoffer Torrado at Joseph Brutas ay may ambag na 23, 22, at 21 points, upang iangat ang Caloocan kontra Manila na ipinarada ang dating PBA cagers na sina Carlo Lastimosa at Ronnie Matias. Laro ngayon April 9 (Valenzuela City Astrodome) 4pm - Taguig vs Quezon City: 5:30 pm — Valenzuela vs Marikina. (MC)





Comments