40 bloke ng cocaine nalambat ng mga mangingisda

NALAMBAT ng mga mangingisda ang 40 bloke ng hinihinalang cocaine habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Burgos, Surigao del Norte.
Sa impormasyon ng Caraga Regional Police Office, alas-4:30 ng hapon ng Linggo nang madiskubre ng mga mangingisda sa lugar ang mga cocaine na pawang nakabalot sa lambat.
Agad ipinaalam ng mga mangingisda sa awtoridad ang pagkakalambat sa mga iligal na droga.
Nang inspeksiyunin, nakitaan ang mga ito ng markang “Bugatti” na kapareho sa unang nadiskubre sa Bgy. Pacifico, San Isidro.
Dinala sa Burgos Police Station ang mga cocaine at isasailalim sa pagsusuri ng crime laboratory office at kung magkano ang halaga ng mga ito.





Comments