2 bigtime tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Apr 9, 2019
1 min read
BACOLOD CITY—Dalawang bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Singcang Airport sa lungsod na ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Betty Bongay at Sidney Hulleza, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang arestuhin sila ng pulisya sa naturang barangay.





Comments