top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

15-Yrs. old ni-rape ng 17-anyos sa resort

Levi Gonzales
Apr 9, 2019
1 min read

SA kulungan ang bagsak ng 17-anyos na lalaki matapos umanong halayin ang 15-anyos na dalagita sa isang resort sa Bgy. Matandang Sabang, Silangan, Catanauan, Quezon.

Sa panayam sa biktimang si alyas Shane, kasama ang kanyang magulang, pasado alas-12:00 ng hatinggabi, habang nag-uusap siya kasama ang suspek na si alyas Roldan sa nirentahan nitong cottage, agad umano siyang hinalikan nito.

Nagpumiglas pa ito ngunit, sa lakas ng suspek ay nagawa pa rin siyang mapagsamantalahan bago tumakas.

Ipinagbigay-alam agad nito sa kanyang magulang ang sinapit hanggang sa makahingi ng tulong sa pulisya.

Mabilis namang naaresto ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page