Vintage bomb malapit sa U.S Embassy, natagpuan

ISANG vintage bomb ang natagpuan malapit sa U.S. Embassy sa Ermita, Manila, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Rodolfo Velasco mula sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sa kasagsagan ng dredging operation, napansin ang isang solidong bakal sa baybaying bahagi ng Manila Bay malapit sa U.S. Embassy alas-7:30 ng umaga.
Iniulat ito ng mga miyembro ng Manila Bay Task Force sa Manila Police District Explosives and Ordnance Division (MPD-EOD).
Ayon kay MPD-EOD Officer Holm Fabian, isa itong 81-mm illuminating round bomb.
Dinala ang bomba sa Tarlac para sa controlled explosion na isasagawa ng mga awtoridad.





Comments