top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Singil sa NLEX, grabe ang itinaas, 'change is coming' pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
2 min read

“CHANGE IS COMING” KAYA MALAKI NA ANG BAYAD SA NLEX — Noon sa mga nakaraang administrasyon kapag nagtaas ng toll fee sa NLEX, papisu-piso lang, pero ngayong panahon ni PDuterte, ang laki ng itinaas.

Ngayon ang toll fee sa mga kotse, SUV, jeep at big bike (class 1 vehicles) mula sa Balintawak/ Mindanao hanggang sa Marilao, Bulacan ay P54 (dating P45); bus at small trucks (class 2 vehicles) ay P137 (dating P114); heavy trucks (class 3 vehicles) ay P165 (dating P136) at pagsapit naman sa Sta. Ines exit sa Mabalacat, Pampanga, ang toll fee sa class 1 vehicles ay P258 (dating P236); class 2 vehicles ay P646 (dating P590) at class 3 vehicles ay P785 (dating P708)

Totoo pala ang isa sa slogan ni P-Duterte noong 2016 presidential campaign na “change is coming” kasi malaki na ang ipinagbago sa toll fee, malaki na ang bayad, buwisit!

◘◘◘

HINDI LANG ANG MGA TAGA-NORTH DAHIL PATI ANG MGA TAGA-SOUTH, MAKATITIKIM NA RIN NG DUSA SA DAGDAG-TOLL FEE—Ang sobrang laking dagdag-singil na ‘yan sa toll fee sa NLEX ay nag-start noon pang Marso 20, 2019 at ngayon ay pinaplantsa na rin ng mga alipores ni P-Duterte sa Toll Regulatory Board (TRB) ang hataw na dagdag-singil din sa toll fee ng SLEX.

Akala siguro ng mga taga-south, ang mga taga-north lang ang nakatikim ng dusa sa sobrang laking dagdagtoll fee pati pala sila, malapit-lapit na rin magdusa, he-he-he!

◘◘◘

MGA KANDIDATO NI P-DUTERTE, IPINABABASURA NG MGA EX-AFP AT PNP OFFICIAL?— Lumantad na ang mga dating matataas na opisyal ng AFP at PNP na miyembro ng Advocates for National Interest (ANI) at nanawagan sa publiko na iboto ang mga kandidatong makabayan.

Parang sinabi na rin ng mga ex-AFP at PNP official na ibasura ang mga kandidato ni P-Duterte na pro-China, boom!

◘◘◘

SMUGGLING NINA “TINA U” AT “JRT”, TULOY PA RIN SA BUREAU OF CUSTOMS—Noong Biyernes, namigay daw ng “tara” sa ilang “buwayang” taga-Bureau of Customs ang mga smuggler na sina “Tina U” at “JRT”.

Dahil namimigay sila ng “tara”, ibig sabihin, tuloy pa rin ang raket nilang smuggling sa Bureau of Customs, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page