top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Media forum para sa LGUs, umarangkada

Gina Pleñago
Apr 8, 2019
1 min read

INILUNSAD ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang ‘The Presser Weekend’, isang communication program ng Malacañang na maghahatid ng mga polisiya at proyekto ng pamahalaan, na ginanap nitong Sabado ng umaga sa Muntinlupa Sports Complex, Tunasan ng nasabing siyudad.

Pinangunahan ni PCOO Secretary Martin Andanar ang nasabing media forum na dinaluhan nina Department of Transportation Sec. Art Tugade at Mayor Jaime Fresnedi ng Muntinlupa City.

Inihayag ni Sec. Tugade ang mga nakumpletong proyekto sa transportasyon at kasalukuyang konstruksiyon sa mga imprastruktura kabilang ang Build, Build, Build Program sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Kabilang na rito ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport na ngayon ay may 1 star rating na natanggap mula sa opisyal ng Aviation Guide for On-Time Performance; 18 airport projects na ang nakumpleto, 26 pa ang on going at isa pa ang ginagawa kasama na rito ang Clark International Airport na magkakaroon ng apat na parrallel runways at isang passenger terminal na may kapasidad na 100 milyong pasahero kada taon.

Bukod pa rito ang Laog, Subic railway project habang anim ang nasa konstruksiyon at ang target na Metro Manila Subway na 36 kilometer line mula sa Mindanao Avenue, Quezon City hanggang NAIA, Pasay City at aabot sa 370,000 pasahero ang maseserbisyuhan kapag nakumpleto ang proyekto.

Nasa 171 ports development na ang nakumpleto sa ilalim ng DOTr.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page