Gulo sa Tripoli, Libya | MGA PINOY, MAG-INGAT — DFA

BINABANTAYAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang estado ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Tripoli, Libya.
Kasunod ito ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at Libyan National Army na pinamumunuan ni Field Marshal Khalifa Haftar. Batay sa advisory ng DFA, pinayuhan nito ang mga Pinoy na nasa 100-kilometer radius ng Tripoli na manatiling vigilante sa mga nangyayaring gulo.
Pinagsabihan din ng kagawaran ang mga Pilipinong nagbabakasyon at pabalik ng Tripoli na ikansela muna ang kanilang mga biyahe hangga’t hindi pa humuhupa ang tensiyon.
Pinaalalahanan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na manatili sa loob ng kanilang mga tinitirhan at umiwas sa anumang public gatherings.
Ganundin ang pag-iimbak ng pagkain, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan. Para naman sa mga nais umuwi ng bansa, ayon sa DFA, kailangan lang makipag-ugnayan sa embahada.





Comments