Buking na gusto lang awayin ng mga Pinoy ang mga Intsik | Carpio, ang hilig magsinungaling para uman

SA kanyang “racist” na kampanya para palabasing masama ang China, lumabas ang kamangmangan o kasinungalingan nitong si Supreme Court Senior Justice Antonio Carpio.
Wala pala itong alam tungkol sa international finance at loans. Nabisto na gusto lang umano nitong awayin ng mga Pilipino ang mga Chinese para umangat ang mga kaibigan niyang Amerikano.
Sinabi ni Carpio na magde-default daw ang Pilipinas kapag umutang ito sa China para sa Chico River Dam Project tapos kukumpiskahin daw ng China ang Reed Bank. Ang mangmang mo, Carpio! Bakit mahilig kang magsinungaling?
Hindi maaaring mag-default o hindi makabayad ang Pilipinas sa mga utang nito sa China. Unang-una ang mga utang na tulad nito ay mahaba ang panahon ng bayaran at napakababa ng interest.
Pangalawa, sabihin na nating hindi tayo makabayad (imposibleng pangyayari dahil tumataas na ang ating GDP) hindi maaaring kunin ng China ang anumang teritoryo natin.
Anumang bansa sa mundo na nahihirapang makapagbayad ng utang ay hindi kinukumpiska ang mga lupain bilang pambayad.
Tulad ng Greece na mayroong napakalaking utang ay hindi naman inagaw ang kanilang mga isla, bagkus ay pinahaba lang ng mga bangkero ang panahon para bayaran nila ang kanilang utang.
Pangatlo, ‘yung sinasabi nilang “debt crisis” noong 1983 sa bansa ay ibang-iba sa sitwasyon ngayon. Alam natin ito dahil tayo ang nag-cover ng isyung ito bilang reporter sa tanyag na financial newspaper noon, ang Business Day. Mas maraming problema ang Pilipinas noong 1983 kabilang na ang destabilisasyon sa politika. Pero, ngayon ay mas matibay ang Republika, lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Isa pa, sa mga nakalilimot, nakabawi na ang ekonomiya ng Pilipinas noong 1985. Kaya mayabang si dating Pangulong Ferdinand Marcos na magtawag ng snap elections noong 1986. Kaya wala talagang basehan ang mga pinagsasabi ni Carpio.
Sa paninira ni Carpio sa China ay nabubulgar lang ang tunay nitong intensiyon — sirain ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Bakit ayaw itong nangyayari ni Carpio? Dahil ayaw ito ng kanyang mga amo dahil kapag ganito ang sitwasyon ay etsapuwera na ang U.S. sa Asya. Ayaw ng mga Kano na hindi sila pinapansin. Gusto nilang bida pa rin sila sa buong mundo.
Carpio, mag-aral ka muna bago ka magsalita ng kung anu-ano. Hindi nakasanla ang Pilipinas sa China. Sa totoo lang, tinutulungan nila tayong umunlad hindi tulad ng U.S. na puro dakdak, pero wala namang ibinibigay kundi “second-hand” na gamit.
Akala ni Carpio, ang isang utang mula sa ibang bansa ay parang utang sa bangko kung saan kapag isinanla mo ang bahay mo tapos hindi ka makababayad kaya kukubrahin nila ito. Paano ba nakapasa sa Bar exam si Carpio o may ibang dahilan kaya panay ang salita niya laban sa China o “anti-China” nito kung saan lumalabas tuloy na “racist” siya?
Nakagugulat, ‘di ba? Akala natin kapag umabot sa Korte Suprema ay may utak o matalino na at hindi basta magpapadala sa mga among dayuhan at elitista.
Kunsabagay, ang hindi kuwalipikadong si Lourdes Sereno ay naging SC Chief Justice dahil gusto lang iangat ng mga dilawan, partikular si ex-P-Noy para ipagtanggol ang kanyang Hacienda Luisita.
Si Carpio naman ay iba ang background kay Sereno. Naitalaga siya sa korte noong 2001 ni ex-P-GMA na malamang ay nagsisisi ngayon kung bakit binigyan pa niya ng puwesto ang mokong na ito.
Miyembro ng makapangyarihang “The Firm” si Carpio, ang Carpio Villariza Cruz Law office. Kaya maraming “koneksiyon” si Carpio, pero sa palagay natin ay marami rin siyang nagawang hindi kanais-nais na bagay.
Maaaring mayroong maimpluwensiyang tao ang nakadiskubre sa mga sikreto ni Carpio at inipit ito na gawin ang kanyang “anti-Chinese” na kampanya.
Nagoyo si Carpio ng taong ito tawagin natin siyang J.A. para itulak ang agenda na wasakin ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Ayaw ng U.S. na napapalapit tayo sa karibal nila sa pagiging “super power”.
Ang masama kay Carpio, ginagamit niya ang kanyang puwesto sa SC para sa kanyang pamomolitika. Sinisira lang niya ang reputasyon ng Korte Suprema.





Comments