Away sa lupa | 2 TINODAS NG RIDING-IN-TANDEM

PATAY ang dalawa katao, kabilang ang isang German national matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng hapon sa Antipolo City, Rizal.
Sa ulat ng Antipolo City police, pauwi na ang mga biktima na sina Remedios Kauth at Conrad Heinrich, German national, kapwa residente ng Bgy. San Roque sakay ng Isuzu Trooper na may plakang XLN 109 nang tambangan ng mga suspek sakay ng motorsiklo.
Ilang beses umanong nagpaputok ang mga suspek na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga biktima.
Isa sa tinitingnang motibo ng mga awtoridad ay ang away sa lupa.
Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya.





Comments