top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

ATENEO, HAWAK NA ANG FINAL 4 KONTRA LADY SPIKERS, ABANGERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
1 min read

NAKABAWI ang Ateneo de Manila sa kabiguang natamo sa second set at pinadapa ang nagtatangka sanang maka-upset na National University, 25-14, 24-26, 25-17, 25-19 upang makamit ang unang upuan sa Final Four.

Ang panalo ang ika-sampung sunod ng Lady Eagles na nangangahulugang malapit na rin nilang makamit ang inaasam na isa sa dalawang twice-to-beat bonus sa semis. Ang kabiguan ang ikawalo para sa Lady Bulldogs sa loob ng 11 laro.

Pinamunuan nina Jules Samonte at Kat Tolentino ang nasabing panalo ng Ateneo sa itinala nilang tig-13 puntos kasunod si Maddie Madayag na may 12 puntos.

Tumapos na topscorers para sa NU sina rookies Ivy Lacsina at Princess Robles na kapwa rin may tig-13 puntos.

Samantala, natudla ng reigning titlist De La Salle University ang ikatlong sunod nilang panalo matapos walisin ang out-of-contention ng Adamson University, 25-15, 25-18, 25-16, kahapon sa UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament sa Araneta Coliseum. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page