TUTUKLAS PA NG MAHUHUSAY NA ATLETA SA PENCAK SILAT
- Clyde Mariano
- Apr 7, 2019
- 1 min read

PALALAKASIN ang grassroots program at tutuklas ng mga magagaling na manlalaro ng pencak silat upang kumatawan sa ‘Pinas sa mga darating na international sports competitions.
“My administration anchored on this direction designed to tap young potential athletes in the countryside through viable, effective, comprehensive and long sustainable grassroots program,” sabi ni unang Muslim Commissioner ng Philippine Sports Commission ni Chairman William Ramirez, Jacel Kiram nang makapanayam.
Ang pencak silat ay kasama sa mahigit 10 combat sports at sa may 56 sports na lalaruin sa 30th edition ng SEA Games simula sa Nob. 30, Bonifacio Day sa modernong New Clark City Sports Complex sa Pampanga.
Ang pencak silat ay laging nag-uuwi ng karangalan sa SEAG at sa ibang malaking overseas competitions.
Sasabak sina Juanella Ballesta, Ric Rod Ortega, Dennis Dumandan, Clyde Joy Baria, Princess Lyn Enopia, Jocerin Abad, at Jefferson Lhey Loon.
Kamakailan, nag-uwi nang karangalan ang mga Pinoy sa torneo ng 17th World Pencak Silat na ginawa sa Island Resort Bali, Indonesia at 5th Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam kung saan tumapos ang mga Pinoy na 5th overall ng tatlong pilak at tatlong tanso.
Kinuha ng host Vietnam ang overall 9 gold, Thailand 3 at tig-2 ang Malaysia at Singapore.
Nakapilak sina Enopia sa 45-50kg, Abad 50-55kg, at Loon 60-65kg. habang bronze sina Dumandan 45-50kg. Ortega 55-60kg, at Baria 55-60 kg.
Nanalo rin si Enopia ng ginto sa women Class A (40-45 kg) at si Ballesta, tubong iloilo, pilak sa 17th World Pencak Silat.





Comments