top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

SASO, SASALANG NA SA FINAL NG AUGUSTA C’SHIP

Eddie M. Paez Jr.
Apr 7, 2019
1 min read

SASALANG ngayon sa final round ang premyadong Pinay teen golfer na si Yuka Saso sa huling araw (Linggo ng umaga sa oras sa Pilipinas) ng prestihiyosong Augusta Women’s Amateur Championship.

Swak sa final cut ang Fil-Japanese na dalagita sa tulong ng iskor niya na 72 at 73 sa nakalipas na mga rounds. Ang kabuuang output nya na 145 ay sapat para sa pang-11 puwesto. Bagamat anim na strikes ang agwat ng tumatrangkong kalahok, nasa magandang posisyon pa rin siya para sa isang podium finish ng 30-kataong finals.

Dala ng 17-anyos na si Saso sa torneo ang momentum ng mga podium performances sa nakalipas na mga tunggalian. Kasama na ang dalawang gintong medalya (individual at team events) sa 2018 Asian Games at mga bridesmaid showings sa Annika Invitational Australasia, sa Rolex Tournament of Champions, 2018 Women’s Amateur Asia Pacific Golf Championships at sa Youth Olympic Games (Argentina).

Malulupit na harang sa daraanan ni Saso at kasalukuyang nasa unahan niya sa pagpasok sa huling araw ng paligsahan ang limang kinatawan mula sa U.S.A. (Jennifer Kupcho, Sierra Brooks, Kaitlyn Papp, Zoe Campos, Rose Zhang, Haley Moore, Haylee Harford), dalawa sa Thailand (Pimnipa Panthong, Jaravee Boonchant) isa sa Mexico (Maria Fassi) at isa sa Japan (Yuka Yasuda). Si Kupcho ang nangunguna dahil sa rekord nitong 139 (5-under-par) samantalang si Fassi ay may naisumiteng 140. Ang troika nina Panthong, Brooks at Papp ang magkakasosyo sa pangatlong puwesto sa kartadang 141.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page