Nahulog sa bangin | 3 PATAY SA KILLER BUS

TATLO katao ang nasawi sa aksidente sa Hamtic, Antique.
Nahulog sa bangin ang pampasaherong bus na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong sakay nito.
Ayon sa imbestigasyon ni Senior Master Sgt. Llanie Adores, galing sa Iloilo ang Ceres bus at papunta sa San Jose, Antique nang maganap ang aksidente Biyernes ng gabi.
Sakay ng bus ang siyam na pasahero, drayber at konduktor. Dalawa sa mga nasawi ay lalaking bagong graduate at kanyang ina.
Patuloy nang iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente.





Comments