top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lady guard ng mall sinugod ng saksak, babae kulong

Gina Pleñago
Apr 7, 2019
1 min read

HINULI ng mga awtoridad ang 52-anyos na babae na sinasabing kilalang magnanakaw matapos sugurin ng saksak ang lady guard sa loob ng mall sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong grave threat, alarm and scandal at paglabag sa Omnibus Election Code in Relation to BP6 ang suspek na si Alice Mabulay, may asawa, walang trabaho, ng Bgy. Singkamas, Makati City.

Inireklamo ito ng biktimang si Rovelyn Patcho, 32, dalaga, guwardiya.

Base sa ulat ng Southern Police District, naganap ang insidente sa hallway ng Glorietta Mall 2, Ayala Center, Bgy. San Lorenzo, Makati City, alas-4:50 ng hapon.

Pinagsabihan umano ng biktima ang suspek at binigyan ng warning sa hindi batid na dahilan na ikinagalit ni Mabulay at bumunot ng kutsilyo bago sinaksak si Patcho na masuwerteng hindi nasugatan.

Agad hinuli ang suspek ng mga guwardiya ng mall at dinala sa presinto.

Sa report, ang suspek ay kilala umanong kawatan na patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page