Kung kinakailangang matukoy ng biktima ang mga pangalan ng suspek upang mapanagot sa krimen

Dear Chief Acosta,
Binugbog ang kapatid ko ng dalawang lalaki at nagtamo siya ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Bagama’t, kilala niya ito sa pisikal na hitsura, hindi niya alam ang pangalan ng mga nambugbog sa kanya. Materyal ba sa kaso na hindi masabi ng kapatid ko ang buong pangalan ng kanyang pinapatungkulan na taong nambugbog sa kanya? — Leo
Dear Leo,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa People of the Philippines vs. Salvador dela Cruz (G.R. No. 131035, 28 February 2003, Ponente: Honorable former Associate Justice Romeo J. Callejo, Sr. ) kung saan nakasaad:
“This court has previously held that identification of a person is not solely through knowledge of his name. In fact, familiarity with physical features, particularly those of the face, is the best way to identify a person. One may be familiar with the face but not necessarily the name. Thus, it does not follow that to be able to identify a person, one must necessarily know his name. “Experience shows that precisely because of the unusual acts of bestiality committed before their eyes, eyewitnesses, especially the victims to a crime, can remember with a high degree of reliability the identity of criminals. We have ruled that the natural reaction of victims of criminal violence is to strive to see the appearance of their assailants and observe the manner the crime was committed. Most often, the face and body movements of the assailant create an impression which cannot easily be erased from their memory.” Relatives of the victim have a natural knack for remembering the face of the assailant for they, more than anybody else, would be concerned with seeking justice for the victim and bringing the malefactor to face the law” (Binigyang diin).
Sang-ayon sa nabanggit, hindi kinakailangang matukoy ang pangalan ng tao upang siya ay maaaring mapanagot sa krimen. Sapat na ang taong pinatutungkulan ay matukoy base sa hitsura at physical features nito. Binanggit ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa nasabing kaso na natural na reaksiyon ng biktima o eyewitness na kilalanin ang appearance ng assailant at ang kanyang mga aksiyon habang ginagawa ang krimen at ang mga bagay na ito ay hindi karaniwang nabubura sa kanilang memorya.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments