top of page
Pokwang.jpg

Habang natutulog sa covered court | LALAKI AT 8-ANYOS PINAGBABARIL, PATAY

Maeng Santos
Apr 7, 2019
1 min read

DEDO ang 23-anyos na construction worker at 8-anyos na lalaki matapos pag­babarilin ng hindi kila­lang sus­pek habang natutulog ang mga biktima sa covered court sa Caloocan City, Sa­bado ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Po­lice Chief P/Col. Restituto Arcangel ang mga biktima na sina Jaylord Cajuban ng Phase 8A na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at Jeffer­son Dimarillas, na nagtamo naman ng tama ng bala sa ti­yan, kapwa ng Bgy. 176, Ba­gong Silang.

Ayon kay Caloocan Po­lice Community Precinct (PCP) 3 Commander P/Maj. Raymond Nicolas, alas-3:30 ng madaling-araw, natutulog ang mga biktima sa covered court sa Phase 8, Bagong Silang nang pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa kilalang gunman na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon ha­bang ayon sa pulisya, nakai­nom si Cajuban bago ito na­tulog sa covered court nang maganap ang insidente.

Patuloy na ang fol­low-up investigation sa po­sibleng pagkakakilanlan at pag­ka­ka­aresto sa suspek habang ina­alam pa ang tunay na mo­tibo sa insidente at kung bakit nadamay ang bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page