GOLFER MONDILLA, CHAMP SA SOLAIRE PHL OPEN
- Clyde Mariano
- Apr 7, 2019
- 1 min read

MATAPOS mabigo ng dalawang beses, sa wakas napasakamay ni Clyde Mondilla ang pinaka-prestihiyosong Solaire Philippine Open at naihanay ang kanyang pangalan sa mahabang listahan ng mga naging champions kasama sina Larry Montes, Celestino Tugot at Ben Arda na hinangaan ng mga Amerikano at mga banyagang manlalaro.
Lamang ng apat na shots papasok sa final round, nilapatan ni Mondilla ang pormal niyang pag-angkin sa titulo na binakante ni Brazil Olympian Miguel Tabuena na pumalo ng final round 75 at lumikom ng 290 at ibinulsa ang tumataginting na $90,000 sa kabuuang $500,000 at naging pangatlong golfer na nanalo sa prestihiyosong event matapos magwagi si Celestino Tugot at Frankie Miñoza.
“Sa wakas nanalo rin ako sa prestihiyosong tournament na ito.
Masaya ako dahil lahat ng paghahanda ko ay hindi nasayang.
Wala na akong mahihingi pa at napasakamay ko na ang titulo sa torneo,” masayang sinabi ni Mondilla matapos tanggapin ang kanyang premyo.
Matapos agawin ang pamumuno kay Tawit Polthai ng Thailand na humataw ng 69 sa third round, dinomina ni Mondilla, anak ng caddy master sa Bukidnon at dating national player, ang laro at hindi pinaporma ang kanyang mga kalaban sa last round at kalmanteng umakyat sa stage para tanggapin ang kanyang premyo.
Ang premyo ay pinakamalaki sa kanyang pro career mula nang maglaro sa professional sa edad 18 matapos sumabak sa national team.
Pumangalawa si American-Venezuelan Nicolas Paez ng Arizona at asawa ng US born sa Los Angeles na Pinay na humataw ng final round 70 at lumikom ng 292 na nagkakahalaga ng $55,000.





Comments