top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GESMUNDO, BUMIDA PARA SA TITULO NG DLSU SA UAAP BASEBALL

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2019
1 min read

NAKAMIT ni Kiko Gesmundo ang hangad ni­yang magandang pagtatapos ng kanyang collegiate career matapos niyang ibalik ang titulo sa De La Salle sa pag­ta­tapos ng UAAP Season 81 Baseball Finals kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Humataw ng 2-run home­run si Gesmundo sa iba­baw ng ninth inning upang giyahan ang De La Salle sa 11-9 paggapi sa Ateneo sa Game 3 para mabawi ang titulo.

Kasunod nito, hindi na nila pinaporma ang Blue Eagles para makahirit pa ng extra inning. Ang panalo ang ikalawang kampeonato ng Green Batters sa loob ng apat na seasons at kanilang panglimang overall at ika­lawa ring titulo ni Joseph Orillana bilang head coach. Bukod sa titulo, magtatapos ding Finals MVP si Ges­mundo.

Gaya niya magtatapos ding kampeon sina Boo Ba­randiaran na siya ring Best Hitter, Paulo Salud, Tuwi Park, Joaqui Bilbao at Gabo Pineda.

Itinanghal naman ang kakampi nilang si Diego Lozano bilang season MVP, Best Slugger with .842 at Most Homeruns habang ang isa pang teammate na si Iggy Escaño ay nagwagi ng Most RBIs award sa naitala nitong 18 ngayong season. Tinapos ni Gesmundo ang laro na may tig-dalawang RBIs at runs.

Sa kabilang dako, nag­tala ng tatlong RBI’s si Marco Mallari at dalawa kay Javi Macasaet para sa Ate­neo. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page