Full alert sa Metro Manila — PNP

NASA “full alert status” ang buong Metro Manila ngayong Semana Santa, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar.
Mula sa heightened alert, itinaas na sa full alert status ang buong Metro Manila.
“Nakalatag na po ang ating security coverage na ating pinapairal. Itong kasagsagan ng Semana Santa lalo na sa magdaragsaan ng pag-uwi sa mga probinsiya, we will raise our alert status from heightened to full alert so, we can maximize the utilization of our resources, equipment, as well as ating mga personnel,” ayon kay General Eleazar.
Mahigpit na ang pagbabantay ng buong puwersa ng pulisya sa Metro Manila sa lahat ng terminal at lahat ng matataong lugar.
Babantayan din ang mga Simbahan na siyang dinaragsa ng maraming tao kapag Mahal na Araw.
Ayon sa NCRPO chief, magdaragdag pa rin sila ng puwersa para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Magsisimula sa Abril 14 ang Semana Santa at matatapos ito ng Eastern Sunday, Abril 21.
Aniya, nasa 11,500 police personnel ang kanilang ipakakalat para magbantay ngayong Lenten Season at summer vacation.





Comments