12-anyos inabuso sa fastfood chain | LAY MINISTER NG QUIAPO CHURCH, WANTED
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 1 min read

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang 69-anyos na lay minister ng Quiapo Church na nakunan umano ng video na may ginagawang kahalayan sa isang 12-anyos na babae.
Ayon sa ulat, nasa pulisya na ang orihinal na kopya ng video kung saan makikita ang ginawa umanong pang-aabuso ng suspek sa dalagita sa loob ng isang fastfood chain.
Kinilala ang suspek na si Victorino Abot Jongco, 69, lay minister ng Quiapo Church.
Natunton naman ang dalagita na nakilala ng ilang mga tauhan ng Quiapo Church.
Ayon sa biktima, hindi umano bababa sa tatlong beses nangyari ang insidente.
Iniwan umano ito ng kanyang lola sa Simbahan dahil maglalaba. (BRT)





Comments