top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Utos ni P-Duterte | ARTISTANG ADIK, ‘WAG IBULGAR

  • Mylene Alfonso
  • Apr 6, 2019
  • 1 min read

TUTOL si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa rekomendasyon ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isiwalat ang pangalan ng mga celeb­rity na hinihinalang sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Du­terte, hindi naman sila tumatakbo para sa isang po­sisyon tulad ng mga pulitiko sa narco-list.

“‘Yung listahan ng mga adik, or drug users, or traf­­fic­kers, or ‘yung mga ar­tista, hindi ko bitawan ‘yan,” ani Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa An­nual Convention of the Lea­gue of Prosecutors sa Puerto Princesa, Palawan.

Alam mo bakit? Hindi naman sila seeking public office,” pahayag ng pangulo.

Nilinaw din ng pangulo na hindi siya humingi ng kopya ng listahan ng ce­leb­rities na sangkot sa kala­ka­ran ng iligal na droga dahil hindi siya nakikialam dito.

Ikinatuwiran ng pangulo na obligado siyang ilabas ang pangalan ng mga pinani­ni­walaang narco-politician da­hil karapatan aniya ng pub­liko na malaman ang to­too sa mga iboboto nila.

“I am morally, legally bound to tell people, ‘ito ‘yung mga kandidato ninyo, bahala kayo’. If they still vote for you, fine, it’s a democracy. But the people ought to know and that is my solemn duty to inform the public and to know who the idiots there,” dagdag pa ng pangulo.

Matatandaang, nasa 31 artista ang nasa watchlist ng PDEA kung saan bata pa ang karamihan.

Una na ring pinayuhan ng Palasyo ang mga artistang ito na itigil na ang iligal na gawain dahil maaari lamang silang magkaroon ng prob­lema sa kalusugan o mawa­lan ng tagahanga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page