TIGERS AT STARS, PAKAY ANG MPBL DIVISION TITLES
- BULGAR

- Apr 6, 2019
- 1 min read

TARGET ng Davao Occidental at Manila ang division crowns maging ang national finals sa sandaling makaharap na nila ang Batangas City at San Juan sa magkahiwalay na venue sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup ngayong Sabado.
Babanat ang Davao Occidental Tigers na nanalo kontra Batangas City Athletics, 66-48, sa South division best-of-three finals opener sa Almendras Gymnasium sa Davao sa Huwebes at masungkit ang titulo kapag nanalo sa De La Salle Lipa. Nagwagi ang Manila Stars sa San Juan Knights sa FilOil Flying V Centre, 91-88 noong Huwebes at kailangang ulitin ang panalo sa sariling homecourt sa San Andres Sports Complex para maghari sa North division.
Ang panalo sa Tanduay-backed Athletics o sa Go for Gold-Knights ang pupuwersahin nila para sa Game 3 ng division titles. Kung ang Cocolife-backed Tigers at ang Robust- Stars ang magwawagi, pag-aagawan nila ang Datu Cup national title sa best-of-five series.
Muling aasa ang Tigers kina veterans Mark Yee, Leo Najorda, Bonbon Custodio, Joseph Terso, at Billy Robles para maging top-billing sa South division. Para manatiling buhay ang Athletics, dapat umibayo ng laro sina Jeff Viernes, Jhaymo Eguilos at Val Acuña para ma-neutralize ang manpower advantage ng Tigers. Palalakasin ang Stars nina Aris Dionisio, Chris Bitoon, Marvin Hayes, Reil Cervantes at Mark Lopez sa pakay nilang kontrolin ang Knights nina John Wilson, Ryan Ayonayon, Mac Cardona at Larry Rodriguez. (MC)





Comments