top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ngayong atras na sa Darna… LIZA, TAKOT NA TAKOT NA 'DI NA BIGYAN NG SHOW NG DOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2019
  • 4 min read

MATAPOS ang nakakabiglang announcement ni Liza Soberano sa TV Patrol last Thursday ng kanyang withdrawal sa Darna project, nag-release na rin ng statement ang ABS-CBN stating na tina­tanggap nila ang desisyon ng aktres.

Titled Press Statement on Liza Soberano and Darna, narito ang nila­la­man ng statement signed by Kane Errol Choa, head of ABS-CBN Corporate Communications:

ABS-CBN and Star Cinema regretfully an­nounce their acceptance of Liza Soberano’s decision to withdraw from the Darna movie project due to medical reasons.

“Liza suffered a finger bone fracture while doing a fight scene on the set of Bagani last year. She is still undergoing treatment and recovering from the trauma. Unfortunately, after consultation with her doctors, it was deemed best for Liza not to pursue the project as the injury shall hamper her from effectively doing the movie stunts required.

“ABS-CBN and Star Cinema understand Liza’s condition, respect her decision, and wish her well on her recovery.

“Meanwhile the preparation for the Darna movie continues as ABS-CBN and Star Cinema remain fully committed in telling the well-loved story of the Filipina superheroine and have started the selection process for the new actress who will bring the iconic character to life on the big screen.”

Samantala, maging ang co-manager ni Liza na si Ogie Diaz ay nagbigay na rin ng pahayag tungkol sa pag-atras ng aktres. Aniya ay ikinalulungkot niya rin ang nangyari since alam niyang napakalaking oportu­nidad para sa kanyang alaga ang mapiling Darna bukod pa nga sa katakut-takot na pag­hahanda na ang ginawa nito for the role.

“Ako bilang co-manager kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana ‘yung Dar­na. Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang Darna na halos lahat ng aktres, gustong gawin ‘yan.

“Ilan na ‘yung artistang nag-audition para diyan, pero si Liza ang nakakuha ng role. Nu’ng una’y hindi pa nagsi-sink in sa kanya na siya na ang modern-day Darna, hanggang sa yakapin na niya ang naturang superhero character.

“Pinaghandaan ‘yan ni Liza. Pati mga gym workouts niya, ‘yung fight scenes training niya, ‘yung routines niya, lahat ‘yun, naka-sched araw-araw.

“Pero dahil sa nangyaring aksidente sa Bagani last year kung saan napuruhan ang isa niyang daliri, ‘yung totoo, ‘yung Darna agad ang naisip namin ni Liza.

‘Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialists na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hang­gang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat,” bahagi ng post ni Ogie sa kanyang Facebook account kahapon.

Pagkatapos ay ikinuwento niya ang naging pag-uusap nila ni Liza tungkol sa desisyon ng aktres.

Isang araw, tumawag sa akin si Liza. Mag-meeting daw kami. Ayaw niyang sabihin kung bakit. Kaya kinita ko na lang siya. At doon ay ipinakita muna niya ang kanyang daliri na halos kalahating taon yatang therapy at surgery ang pinagdaanan.

“Umiiyak siya. Sabi ko, bakit? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang daliri.

‘Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin ‘yung Darna? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gaga­win ang Darna. Paano na ‘yung family ko?’

Sabi ko talaga kay Liza, ‘Naisip mo pa talaga ‘yan, ‘Nak? At least, ‘Nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at ‘yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda ‘yang ganyang attitude mo,’” kuwento ni Ogie.

Pinayuhan niya si Liza at humanga naman kami kay Ogie sa kanyang pananaw. Sinabi niya sa alaga na kung talagang hindi na makakayang gawin ang Darna ay okay lang naman.

Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na ma­ging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas magan­da ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let’s set a meeting with the bosses.

“Alam mo, ‘Nak...lagi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du’n ka naman naaksidente nang malala o baka ikina­matay mo pa during stunts or ‘yung naka-harness ka. Ang gina­wa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pina­daplisan,” ang sabi raw niya kay Liza at tulo raw nang tulo ang luha ng aktres.

Sabi pa niya sa alaga, “Alam mo, ‘Nak... nu’ng na­walan ako ng show sa ABS-CBN nu’ng year 2000, wala akong choice, kundi humanap na muna ng ibang work, dahil ako ang breadwinner sa amin, eh.

“Pumasok akong stand-up comedian sa comedy bar. Ang bayad sa akin noon, P2,500 to P3,000 sa bawat gabi na sasampa ako. Pero kahit hindi ako masyadong nakakatawa, merong isang customer doon na konting tsika ko lang sa stage, siya ‘yung tuma­taginting ‘yung halakhak. Bawat gabing magpe-perform ako, ‘andu’n lagi siya, siya ‘yung tawa nang tawa kahit hindi naman natatawa ‘yung iba sa akin. Alam mo ba, ngayon? Lima na ang anak namin.”

Nagulat daw si Liza at hindi makapaniwala.

Aniya pa kay Liza, “Sa palagay mo, anak, kung hindi ako nawalan ng show noon sa ABS, mami-meet ko siya? Hindi. Kasi kung may show ako noon, baka hindi rin ako pumasok bilang stand-up comedian.

“Ibig kong sabihin, ‘pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo. At maniwala ka, marami pang darating na opportunity sa ‘yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord.”

In fairness, napaka-touching ng story na ibina­hagi ni Ogie. And for sure, isa ito sa mga naka­pag­pakalma kay Liza para makapagdesisyon nang naaayon sa dikta ng puso’t isipan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page