top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Matapos tanggihan ni Liza ang role… SIGAW NG MADLANG PIPOL: NADINE, NEXT DARNA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGING maingay at aktibo na naman ang mga netizens sa pagpili at pag­bigay ng suhestiyon kung sino ba ta­laga ang nararapat na maging Darna ngayong tuluyan na ngang inanunsiyo ng aktres na si Liza Soberano ang pag-atras niya sa role.

Halu-halo ang naging komento ng mga netizens sa ginawang pag-atras ni Liza at marami ang nagsasabi na sana raw ay hindi na nila pinaghintay ng dalawang taon ang mga fans kung bigla-bigla lang din palang aalis ang bida ng pelikula.

May ilan din na nagsasabi na tila may internal problem ang Darna da­hil kung matatandaan, nauna na ngang nagbitiw ang dapat na direk­tor nitong si Erik Matti na pinalitan ni Direk Jerold Tarog dahil nagka­roon diumano ng creative differences sa pagitan niya at ng Star Creatives.

Gayunman, nagbigay pa rin ng pagsuporta si Direk Matti kay Liza kahit hindi na siya ang direktor ng Darna.

Aniya, “Surprised to hear about @lizasoberano letting go of #Darna

“You would have been great for the part. I wish you all the best. Definitely, there’s life after Darna.

“Take care always, Hope. Don’t cry no more.”

Nagbigay din ng su­porta si Angel Locsin kay Liza.

Ani Angel, “Kung ti­tingnan mo ‘yung post, makikita mo ‘yung meaning. Hindi tungkol sa akin. Let’s show respect sa pi­nag­dadaanan ni Liza ngayon. Salamat.”

May suggestion na­man ang veteran singer na si Lea Salonga at si­nabing sana raw ay mo­rena o ka­yu­manggi ang gumanap sa superheroine role.

Sey ni Lea, “So, what would I love to see as Darna? Someone mo­rena or kayumanggi to represent the darker skinned Pinays to let them know they are po­wer­ful and beautiful exactly as they are. I’d also love for her to be a relative unknown. Let the story sell the film. That is all.”

Dahil dito, marami nang iminu­mungkahi ang mga netizens kung sino ang dapat na gumanap na Darna. Nabanggit ang pangalan nina Maja Salvador, Pia Wurtzbach at Nadine Lustre at ilan pang celebrities.

Gumagawa na rin ang kani-ka­nilang fans club ng litrato kung saan ang mukha ng kanilang idolo ang inilalagay nila sa mukha ni Darna.

Hindi rin nagpahuli ang fan ni Jessy Mendiola na sinabing bagay ang aktres na gumanap sa role, na pina­salamatan agad ng GF ni Luis Man­zano, pero ‘di naman ito kinagat ng ibang netizens dahil hindi raw bagay si Jessy sa role.

Katwiran nila, hindi naman siya morena at hindi rin daw bumebenta ang mga pelikula niya katulad ng katatapos lang na MMFF entry na The Girl in the Orange Dress kung saan naging ka-love team niya si Jericho Rosales.

So, sino na nga kaya ang bagong Darna? Abangan!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page