top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | February 2, 2023



Much appreciated ni Janella Salvador ang ginagawa ng fandom nila ni Jane de Leon na paglabas sa social media ng edited video ng mga eksena nila sa hit Kapamilya serye na Darna.


Umabot na sa four million views ang pa-trailer nila sa “rom-com” ng DarLentina, ang tawag sa fandom nina Janella at Jane.


“They’re super creative,” bulalas ni Janella after ng Q&A portion ng bonggang mediacon ng Darna para sa last two weeks ng show.


“I really appreciate, like their edits? It really makes my day talaga, and I appreciate the efforts 'coz it’s not easy to make edits like that. It’s not easy na magpa-trend palagi. So much appreciated ‘yung mga effort ng DarLentina, Janella, yeah,” sabi ni Janella.


Dahil d’yan, may mga nagsa-suggest ng team-up nina Janella at Jane sa isang proyekto na may konspeto na mala-girl’s love. At game naman si Janella just in case may mag-offer sa kanila ni Jane.


“Yeah, definitely,” pag-confirm ni Janella. “If medyo sexy? Hmmm, depends siguro kung gaano kalayo ‘yung sexy. Pero gusto ko lang siyempre ma-portray nang maayos ‘yung role.”


Tinanong namin si Janella if okey lang sa kanya ang makipag-kissing scene sa kapwa niya female celeb on screen.


“Oh, yeah, that’s fine. Boy, girl, it’s okay with me. Pero siyempre, pipiliin ko pa rin.


“Siyempre, gusto ko, respectable ‘yung mga projects ko. Pero when you say respectable, it doesn’t mean na hindi sexy. You can be sexy and respectable at the same time,” esplika niya.


Nanlaki naman ang mga mata ni Janella when we asked her again kung aprub sa kanya ang gumawa ng eksena na topless siya.


“Topless?! Oh, wait lang. Hahaha! Uh, may limits pa siguro ako. Pero mas daring na ako ngayon,” say niya.


Since start na ng buwan ng Pebrereo ngayon, inalam namin kay Janella ang plano niya for Valentine’s Day.


“I will spend time with myself. Self love. And my son, he’s my Valentine.”


What if may magyaya ng date sa kanya?


“Sino ba? Hahaha!”


So far, wala pa naman daw nagyayaya sa kanya ng date for V-day. Open naman daw siyang makipag-date.


“(But) Depende kung type ko,” sabay ngiti ni Janella.


And speaking of her son, si Jude, aminado si Janella na mahirap maging single mom.


“Uh, it’s hard but it is very fulfilling din kapag nakikita kong masaya ang anak ko.


“As long as I can see him healthy, that's what keeps me going. That's what keeps me wanting to work for him.”


Nagsasalita na raw si Jude at marunong nang mag-I love you.


“Sobrang doon na siya sa stage na malambing na siya ngayon sa akin. Clingy na siya.”

Nagkikita ba si Jude at ang kanyang ama na si Markus Patterson?


“Yes, regularly nagkikita sila. He needs a dad.”


What about financial support, nagbibigay ba si Markus for Jude?


“Uh, we’re working on it,” matipid na sagot ni Janella.


Anyway, abangan ang pinakamatinding giyera sa huling dalawang linggo ng Darna, Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z at TV5.


Available rin ang ABS-CBN series na ipinrodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.


Bitbit ang pagnanais na iligtas ang Nueva Esperanza at ipaghiganti ang pagkamatay ni Regina/ Valentina (Janella Salvador), handa na si Darna (Jane de Leon) na harapin ang pinakamatinding giyera na sisindak sa huling dalawang linggo ng Mars Ravelo’s Darna.


Nakalatag na ang plano ni Heneral Borgo (Richard Quan) para mapatay si Darna pagkatapos patayin ng kanyang Super Soldiers si Regina. Patuloy naman ang paglaki ng kanyang hukbo dahil isa na ring Extra si Ali (Mark Manicad) na may taglay na laser at heat vision superpower.


Sa gitna ng matinding kaguluhan sa Nueva Esperanza, patuloy naman si Darna sa paghahanda sa kanyang mga kababayan para matutong ipagtanggol ang sarili at tulungan ang isa’t isa. Pero kakayanin pa kaya niyang magwagi sa digmaang ilulunsad ni Borgo at ng kanyang mga Super Soldiers?


Samantala, dinumog naman ng libu-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28 ) at Linggo (Enero 29). Nagpasalamat ang Darna cast sa mga manonood sa patuloy nilang suporta at pagmamahal sa programa.


Lilipad din ang Darna cast sa KCC Mall sa General Santos City sa Biyernes (Pebrero 3) at Ayala Malls Trinoma sa Linggo (Peb. 5) para sa pagpapatuloy ng caravan.


Simula nang umere ang Darna noong Agosto, 2022, namayagpag ang programa bilang isa sa top-rating series sa telebisyon at digital. Patuloy din itong nangunguna bilang most-watched show sa iWantTFC, inaabangan araw-araw nang mahigit sa 100,000 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live, at umaani nang milyun-milyong combined views sa YouTube kada episode.


Naging most-searched primetime Philippine TV series din sa Google ang Darna. Noong 2022, umani rin ito ng iba’t ibang Darna-related content sa TikTok na may #Darna na may pinagsamang 2.3 billion views.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page