top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KAYANG HUMAKOT NG GOLD MEDAL NG MGA NOYPI SA SARILING BANSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 6, 2019
  • 1 min read

KUNG kaya nating maging host ng biennial meet ay kaya ring manalo sa darating na 30th Southeast Asian Games sa bansa at walang duda na kaya ito ng mga atletang Pinoy lalo na kung mangyayari ito sa harap ng mga humahangang kababayan sila lalaban.

Para sa isang sports leader-turned-public servant na si Manny Lopez, ang buong bansa mula sa gobyerno hanggang sa pribadong sektor, hanggang sa pinakamababang uri ng tao sa lipunan, ay dapat na magkaisa sa layuning ito ng bansa.

“I think we can win the overall title on the SEA Games again. I think it can be done basta lahat tayo sama-sama,” ayon kay Lopez nang bumisita sa 17th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros nitong Huwebes.

Naging tagapamahala noon si Lopez sa boxing nang ma­kasungkit ang bansa ng silver at 2 bronze medal sa Olympics at may payo siya sa lahat ng sports leaders at iba pang atleta sa Nob. 30-Dis. 11 na event.

“In the SEA Games, we can’t be divided. We can’t confront our enemies on a divided front. Iisa lang ang ating minimithi kaya dapat iisa lang ang ating gagawin na paghahanda” dagdag niya sa sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC) at ng HG Guyabano Tea Leaf Drink.

Yung mga atleta naman natin, malaki ang paniniwala ko sa kanilang kakayahan. Malaking pagsubok itong SEA Games pero nandiyan naman lagi ‘yung fighting spirit nila,” paliwanag pa niya ng kinatawan ng 2nd district ng Manila. “Hindi tayo mandaraya pero sigurado ko, mananalo tayo.(MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page