Ex-Gov. ER, tinuluyan sa 'insurance scam', katunggali sinuwerte, hmmm...

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan si ex-Gov. ER Ejercito dahil sa insurance scam.
Buwenas ang kanyang katunggali!
◘◘◘
ATRAS si Liza Soberano bilang “Darna”.
Bakit?
Nabali kasi ang kanyang isang daliri!
◘◘◘
WINARNINGAN ni P-Digong ang China dahil sa pagsalakay ng mga sibilyang nakabangka sa Pag-asa Island sa Palawan.
Pugutan ang mga ‘yan!
◘◘◘
Ang bundok ng Mai sa Ifugao sa sinaunang panahon ay pinutakte umano ng mga Tsino.
Nang maubos ang ginto, nagkasya ang mga Tsino kakumpitensiya ang mga katutubong Igorot sa paghukay ng Banaue Rice Terraces.
Pero, nang unti-unti umano silang pugutan ng mga katutubong head hunter, nagsibalik sila sa kanilang mainland China.
Tradisyunal na takot ang Tsino sa katutubong Pinoy!
◘◘◘
Sa Indonesia, pinasasabog ang mga bangka ng mga mangingisdang Tsino.
‘Yan ang dapat iutos ni P-Digong!
◘◘◘
IKINABAHALA ng Bangko Sentral ang nararanasang tagtuyot at paglobo ng presyo ng petrolyo.
Mararamdaman ‘yan makaraan ang halalan!
◘◘◘
SISIMULAN na ng International Criminal Court (ICC) ang pag-iimbestiga kay P-Digong.
Makatitikim sila ng lumalagutok na “sanababits”!
He-he-he!
◘◘◘
KAPAG natiyak ni P-Digong na mahihirapan siyang sagipin ang Republika ng Pilipinas mula sa mga kuko ng mga drug trafficker at panghihimasok ng U.N., idedeklara niya ang Revolutionary Government.
Ang deklarasyong ito ay unprecedented kasi nakabatay ito sa international crisis — illegal drugs!
◘◘◘
KARAPATAN ng bawat Republika na makadepensa sa giyera kontra sa mga international criminal.
Kapag nawasak ng illegal drugs ang lipunan, revolutionary government lang ang maaaring rumesolba rito!
◘◘◘
HINDI kailangang patunayan o maglabas ng ebidensiya si P-Digong bago ideklara ang Revolutionary Government dahil hindi “Martial Law” ang kanyang idedeklara.
Wala sa Konstitusyon ang Revolutionary government sapagkat ang bubuwagin at ipawawalambisa ay ang mismong Saligang-Batas!
◘◘◘
KARAMIHAN sa mga salapi na ginagamit sa kampanya ay “dirty money” o salaping ipambibili ng boto, pero galing sa masamang paraan.
Ibig sabihin, natunaw na ang diwa at esensiya ng demokrasya.
Inutil ang umiiral na Konstitusyon para sugpuin ang vote-buying at COC for sale scam!





Comments