top of page
Pokwang.jpg

ELITE SA UNANG LEG NG RUNRIO TRILOGY HAHATAW NA SA MOA

MC / A. Servinio
Apr 6, 2019
1 min read

Photo: runrio

ISANG tulog na lang at karera na ng elites, ang RUNRIO Trilogy 2019 sa Abril 7 para sa unang leg na idaraos sa Mall of Asia Grounds, Pasay City, at ina­asahan na ang pilot race ay lalahukan ng may 6,000 runners.

Hatid ng RUNRIO Tri­logy ang isang kakaibang running experience na ita­tampok ang “progression running” kung saan aabanse ang runners sa mas maha­habang distansiya na kate­gorya sa mas mataas na an­tas ng karera- ang full ma­rathon.

Ang race series ay ika­kalat sa tatlong iba’t ibang legs sa loob ng anim na bu­wan mula Abril hanggang Setyembre, upang bigyan ang runners ng sapat na pa­nahon na makapag­pahinga at makapag-training.

Sa unang leg ng three-part series, ang half mara­thon ay itatampok ang 21k race bilang main event ka­sama na ang 5k at 10K dis­tance categories.

“The RUNRIO Trilogy is for avid runners who want to push their limits and be the best that they can be,” ayon kay Coach Rio dela Cruz, nagtatag ng RUNRIO Trilogy Race Series.

“As we embark on our 9th year of the RUNRIO Tri­logy, we hope to inspire more runners and countless others to discover their strengths and drive their passion for running,” aniya.

Kasunod ng unang leg ng Abril 7 ay ang Afroman Distance (second Leg, Hunyo 16) na tampok ang 32K distance, may dagdag na 5K, 10K, at 21K cate­gories.

Makaraan nito, ang kompetisyon ay tatapusin sa huling leg (Set. 22) ang Phi­lippine Marathon na tampok ang 42K race category bi­lang centerpiece event dag­dag sa 5K, 10K at 21K races.

Ang serye ay kapapa­loo­ban ng awarding cere­mony sa mga prominenteng runners na kumumpleto ng karera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page