'War on drugs', palpak sa lugar kung saan naroon pa ang Malacañang, ngek!

NABIBISTO na kung saang mga siyudad sa Metro Manila ang palpak ang implementasyon sa “war on drugs”.
Isa rito ang mismong sentrong Lungsod ng Maynila!
◘◘◘
BAGSAK ang grado ng Maynila sa inilabas na ebalwasyon ng DILG, kamakailan.
Nagkalat pa rin ang tulak at adik sa mga kalye sa Maynila!
◘◘◘
NADAIG ang Maynila sa kampanya kontra iligal na droga ng Quezon City at Caloocan City, gayung nasa bisinidad nito ang Malacañang.
Pahiya si Mayor “Erap”!
Bakit kaya?
◘◘◘
UMISKOR lamang ang Maynila ng 65 percent sa “war on drugs”, samantalang, 100 percent ang Quezon City at 95 percent naman ang Caloocan City.
Ano ang ginawa ng Anti-Illegal Drugs Abuse Council (ADAC) ni Mayor “Erap”?
◘◘◘
ANG tanong ni DILG Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Echiverri: ‘Yung tatlo (QC, Caloocan at Pasay) ay nakakuha ng mataas na ratings, Manila lang ang hindi, anong explanasyon mo?”
Muntik nang maging 50 percent ang grado ni Mayor “Erap” kaya delikadong makastigo din siya ng DILG.
Kamakailan lang ay nagsampa si Echiverri ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa 51 lokal na opisyal dahil sa kapalpakan sa “war on drugs”!
◘◘◘
Batay sa Joint Memorandum Circular No. 2018-01 ang DILG at Dangerous Drugs Board (DDB) ay nag-uutos sa lahat LGUs na paganahin ADACs .
Dapat maglaan ng pondo laban sa illegal drugs bawat lungsod, munisipalidad at barangay.
Saan dinala ng Maynila ang pondo para sa “war on drugs”?
◘◘◘
SABAGAY, patung-patong ang problema sa Maynila.
Basura, polusyon, krimen, iligal na droga at iba pa.
Lahat walang maayos na solusyon!
◘◘◘
MASASAGIP pa kaya ang Maynila?
Hindi kaya malibing na lang ito sa limot ng modernong henerasyon?





Comments