top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PINOY HABLA, KAMPEON SA CHIANG MAI CHESS

Eddie M. Paez Jr.
Apr 5, 2019
2 min read

NAKIPAGSABWA­TAN si FIDE Master Jony Habla ng Pilipinas sa isang Thai woodpusher para sa isang down-the-wire na pagtatapos pero ang kan­yang matinding kikig sa meta ang nagbigay sa Pinoy ng korona sa 2019 Chiang Mai Open Chess Championship sa Pantip Plaza, Chiang Mai, Thailand.

Pagkatapos ng siyam na rounds ng bakbakan sa board, nagtapos sina Habla at local pride FM Thana­don Kulpruethanon ng halos walang mantsang re­kord na tig-pipitong pa­nalo, dalawang tabla at wa­lang talo para sa kabuuang produksiyon na walong puntos.

Kasama sa mga naka­tikim ng lupit ni Habla sina AIM Cholapat Chongstit­wattana (Thailand), Wo­man FIDE Master Sarocha Chuemsakul (Thailand), Henry Calacday (Philip­pines), Geoffrey Brown (England) Mohamad Sa­car (Philippines), FM Poompong Wiwatanadate (Thailand) at Michael Theodor Harbecke (Ger­many) bago siya nakipag­hatian ng puntos sa Thai woodpushers Kulpruet­hanon at Akkarawut Sand­hiratne.

Naiposte ni Kulpruet­hanon sa kompetisyong isinaayos ng Pantip Chess Club ang mga tagumpay laban kina Shin JingJang (Thailand), Faris Rashid Alriyami (Thailand), Jo­nathan Bodemar (Thai­land), Wiwatanadate (Thai­land), Brown, Calacday at Sacar. Nauwi sa hatian ng puntos ang laban niya kontra sa kababayang si Kavin Nattavutthisit at kay Habla.

Sa dulo, ang mas ma­taas na tiebreak puntos ni Habla, 39-anyos at may 2167 na rating, ang nakap­agpaakyat sa kanya sa tro­no samantalang nakun­tento si Kulpruethanon, topseed ng torneo at may rating na 2263, sa panga­lawang puwesto ng palig­sahang pinairal ang “90 minutes + 30 seconds” na tuntunin para sa time con­trol.

Nagkasya sa 3rd place ang isang pang Thai (Wi­watanadate) habang sina Calacday at Brown ang nakakuha ng pang-apat at panglimang puwesto ayon sa pagkakasunud-sunod sa paligsahang umakit ng mga disipulo ng ahedres mula sa iba’t-ibang ban­sa kabilang na ang En­gland, Germany, USA, Pilipinas at Thailand.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page