Mga gamit sa bahay sinunog | TITSER PINAGSASAKSAK, TODAS

NAKAHANDUSAY, duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang retiradong guro sa kanyang bahay sa Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Milagros Ocampo, na nagtamo ng mga sugat sa dibdib, tagiliran at braso.
Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang pinsan at kapitbahay nang makita nito na may lumabas na usok sa kanyang kuwarto.
“Kumatok ako diyan sa pinto, tinawag ko, ‘Angging, Angging!’ sabi kong ganoon. ‘Gising na alis na tayo, maliwanag na. Sabi ko, ‘halika na’, walang sumasagot,” ayon kay Lydia Rico.
Gayunman, nang pasukin ang bahay ng biktima, nakita na nasusunog ang mga gamit nito kaya sila na mismo ang nagsaboy ng tubig upang maapula ito.
Tumambad din ang nakakalat na mga gamit sa bahay kaya may posibilidad na tinangkang pagnakawan ng salarin ang biktima.
May posibilidad umano na sa likod ng bahay dumaan ang salarin.
Patuloy pang inaalam ang salarin at motibo sa krimen.





Comments