top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buti pa ang mayor may 'balls' kontra China, ang pangulo wala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2019
  • 2 min read

MAYOR PUMALAG VS. FOREIGN VESSEL, PERO SI P-DUTERTE, “NGANGA” SA MGA CHINESE VESSEL—Napasugod sa malawak na ilog si Mayor Gaudioso Manalo ng Lobo, Batangas nang malamang may nakahimpil ditong foreign vessel at agad na hiniling sa Philippine Coast Guard (PCG) na paalisin ang dayuhang barko.

Buti pa ang mayor na ito, may “balls” na paalisin sa kanyang nasasakupan ang foreign vessel, pero si P-Duterte, “nganga” lang sa mga barko ng China na nakatambay sa karagatan ng Pilipinas, buwisit!

◘◘◘

NARARAMDAMANG SAKIT NI “PULONG”, NARARAM­DAMAN DIN NG MGA TAONG ISINANGKOT SA ILIGAL NA DROGA NG KANYANG AMA—Umuusok sa galit si Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte nang isangkot siya sa iligal na droga ni alyas Bikoy at ayon sa kanya, imbento lang umano ang alegasyon sa kanya.

Ang sakit na nararamdaman ngayon ni “Pulong” ay sakit din na nararamdaman ng mga taong isinasangkot sa iligal na droga ng kanyang amang si P-Duterte na walang pakundangan kung panga­lanan ang mga isinasabit niya sa illegal drug syndicate kahit wala naman siyang hawak na ebidensiya, period!

◘◘◘

TAKOT PALANG MAPATAY SI P-DUTERTE?—Naglagay umano ng bulletproof glass ang Presidential Security Group (PSG) sa harap ni P-Duterte habang iniendorso ang kandidatura ng kanyang mga “manok” sa eleksiyon sa Malabon City.

Kung ganu’n, takot pala siyang mapatay at boladas lang pala niya sa publiko ang sinabi niya noon na “kapag nag-presidente ka, dapat handa kang pumatay at mapatay”, kasi ang paglalagay ng bulletproof glass sa kanyang harapan ay nangangahulugang takot pala itong mapatay, boom!

◘◘◘

BENTAHAN NG SHABU SA PUWESTO NG COLOR GAMES AT DROP BALLS NI ‘KIROS’ SA TARLAC—May nagaganap daw na bentahan ng shabu sa puwesto ng mga raket na color games at drop balls ni “Kiros” sa Tarlac.

Kung ganu’n, front lang pala ni “Kiros” ang color games at drop balls, dahil lumalabas na ang totoo palang raket nito ay shabu, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page