top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Budget sa imprastruktura, libreng tuition at dagdag-suweldo pilit sinasabotahe | P15 bilyong gastos

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2019
3 min read

MULA nang makulong si Senadora Leila de Lima dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga, nawalan na ang mga dilawan sa Senado ng matinding tagatira laban sa administrasyong Duterte.

Sinubukan ni Senador Antonio Trillanes IV na angkinin ang papel na “attack dog”, pero walang say­­say ang kanyang mga pinagsasasabi kaya bumag­sak ang kanyang kredibilidad.

Inaayawan na siya ng taumbayan at maging ang mga OFW ay ayaw nang makipagkamay sa kanya. Si Senadora De Lima naman kahit panay press release sa media, hindi na ito pinapansin ng masa.

Napunta tuloy kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang trabaho para itaguyod ang agenda ng mga dilawan at ang pangunahing layunin nila ay pabagsakin ang administrasyong Duterte para makapang-agaw sila ng kapangyarihan.

‘Yan naman talaga ang modus-operandi ng mga dilawan mula noong 1986. Gayunman, palagi pa rin silang talunan sa eleksiyon kaya gusto nilang ginagawa ay destabilisasyon tapos susundan ng kudeta para sila ang maupo sa Malacañang.

Pero, pansinin natin, iba ang estilo ni Sen. Lacson kumpara kina Sen. De Lima at Sen. Trillanes na parehong maingay at diretsahang makipag-away. Si Sen. Lacson ay tahimik lang na parang maamong tupa ngunit, d’yan kayo magkakamali kung akala ninyo ay walang kamandag ito.

Tulad na lang sa isyu ng 2019 National Budget. Kapag pakikinggan ninyo ang sinasabi ni Sen. Lacson, parang resonable subalit, puno ito ng pagtatanong, pang-iintriga at may mga akusasyon pa na walang basehan.

Panay banggit siya ng “pork barrel” ngunit, kung susuriing maigi ang sinasabi niya, lumalabas na ang intensiyon niya ay harangin ang budget para sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit anong paliwanag ang gawin ng Kongreso tungkol sa Pambansang Budget ay ayaw pa rin itong tanggapin ni Sen. Lacson.

Ayaw ding ilabas ng dilawang media ang mga pahayag ni Rep. Rolando Andaya, Jr. ng House Bud­get Committee na sagot sana sa mga akusasyon ni Sen. Lacson.

At dahil elitistang “club” ang Senado, tikom na­man ang bibig ng ibang senador. Walang kokontra kay Sen. Lacson dahil lahat sila ay miyembro ng “club” na kumikita ng milyones bawat taon, pera na ibinibigay sa kanila ng taumbayan.

Pero, bakit ganu’n, taumbayan na ang nagbabayad sa mga patabaing senador, sila pa ang hindi nagsisilbi sa bayan?

Sa pagkontra nila sa Pambansang Budget ng gobyerno ay hinaharang nila ang magagandang programa na makagagaan sa buhay ng mga Pilipino.

Isang ehemplo na tinanggal ng Senado ngayong 2019 National Budget ay ang P15 bilyon para sa right-of-way project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Trans­por­ta­tion (DOTr). Matindi ang epekto nito sa pag­gawa ng mahalagang imprastruktura.

Kapag nawalan ng pondo para sa “right-of-way” halimbawa, mga nakaharang na mga bahay at gusali maaapektuhan ang mga planong mass transit kabi­lang na ang dagdag-MRT at subway sa EDSA.

Isa pang tinanggal ay ang P3 bilyon para sa scholarship ng mga rebeldeng nagbabalik-loob sa gobyerno, out-of-school youth at mga dating drug adik.

Sa pagtanggal ng pondong ito para sa TESDA, mawawalan ng scholarship ang 320,000 na mga estudyante ngayong taon.

Tinanggal ng Senado ang P39 bilyon na pondo para sa pension ng nagretirong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Na­tio­nal Defense (DND), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pa.

Nagawang alisin ng mga senador ang pera para sa mga retiree — mga bayaning nagsilbi sa bayan, pero hindi nila magawang tanggalin ang P15 bilyon na gagastusin nila para sa kanilang marangya na bagong gusali sa Bonifacio Global City.

Ibang level na ang mga senador, sa BGC pa gus­tong mag-opisina! Dapat sa Maynila na lang sila dahil ito ang kapital ng bansa at magiging malapit sila sa mahihirap.

Bakit hindi sa mayayamang mga taga-BGC lu­malapit ang mga senador?

Alam natin kung bakit hinaharang ng mga dilawan sa pangunguna ni Sen. Lacson ang 2019 Natioanl Budget ng administrasyong Duterte.

Iniisip nito at ng kanyang mga kabaro na kapag nasabotahe nila ang mga programa ni Pangulong Duterte, tulad ng mga imprastruktura, libreng tuition at dagdag-suweldo ng pulis at militar ay mapapahina nila ang pangulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page