top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Biyuda niratrat ng riding-in-tandem sa bar, todas

  • Mylene Alfonso
  • Apr 5, 2019
  • 1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang lady trader ng riding-in-tandem sa loob mismo ng kanyang bar kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Manila.

Dead-on-the-spot si Maricel Padpad, 45, biyuda, may-ari ng Mad Wings Bar and Restaurant, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Mark Daniel de Guzman, alas-11:10 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng nabanggit na bar.

Nakaupo umano ang biktima malapit sa entrance door ng bar nang lapitan ng gunman at agad na pinagbabaril bago tumakas sakay ng motorsiklo na minaneho ng kanyang kasabwat.

Ayon kay Bernadette Verano, co-owner ng bar, Marso 30, alas-3:30 ng madaling-araw nang tatlong kahina-hinalang lalaki na sakay ng kotse ang pumarada sa tapat ng bar at tila nagsu-surveillance.

Alas-5:20 ng hapon naman noong Abril 1, isang lalaking naka-full helmet at nakamotorsiklo na walang plaka ang nagtanong sa kanilang cook kung sino ang may-ari ng bar at kung saan ito nakatira. Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page