Bagets tepok sa buy-bust
ANGELES CITY—Isang 18-anyos na binatang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Balibago sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jamperson Soliman, residente ng Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Soliman, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments