Nagpaalam na kukuha ng clearance sa iskul | ESTUDYANTE NAG-SWIMMING, NALUNOD, DEDBOL
- Jeff Tumbado
- Apr 4, 2019
- 1 min read

NASAWI ang 17-anyos na mag-aaral makaraang malunod habang naliligo sa ilog sa Tuba, Benguet, Martes ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Benjamin Belmores, 17, na sinubukan pang isalba ng rescue team.
Sa report ng pulisya, nagpaalam umano sa ama ang biktima na kukuha lamang ng clearance sa eskuwelahan subalit, nabalitaan na lamang na nalunod ito sa Hydro 2 sa bahagi ng Sitio Camp 6.
Nagtungo umano ang biktima sa bahagi ng ilog na matagal nang isinara sa publiko para maligo.
Gayundin, binanggit sa report na may nakalagay na tarpaulin malapit sa entrada patungong ilog at may nakasulat na bawal maligo pero, nasira ito noong Bagyong Ompong.
May mga nagbabantay din umano sa lugar at nagbabawal sa mga pumapasok pero, may mga nakalulusot at dumaraan sa ibang lugar hanggang sa makarating sa ilog.





Comments