top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga purdoy, dehado sa pagtanggal ng mga bus terminal sa EDSA, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 2 min read

PAGTANGGAL NG TERMINAL NG BUS SA EDSA, ANTI-POOR!—Bilang pagsunod sa kagustuhan ni P-Duterte na tanggalin na ang mga terminal ng mga pampasaherong bus na biyaheng probinsiya ay nagpasya na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipasara umano ngayong June 2019 ang mga terminal na ito at ang plano ay ang terminal na biyaheng north ay sa Valenzuela City na ilalagay at ang biyaheng south naman ay sa Sta. Rosa City, Laguna naman itatayo.

Isa na naman itong anti-poor policy ng Duterte gov’t. kasi karamihan sa mga sumasakay sa mga terminal ng bus sa EDSA ay mga mahihirap at kapag nawala sa EDSA ang mga terminal na ito ay hindi na gaanong makararanas ng traffic ang mga de-kotse, buwist!

◘◘◘

PAGBANTAAN DIN KAYA NI P-DUTERTE SI MAYOR SARA? —Pinagbantaan umano ni P-Duterte si Malabon City Mayor Len Oreta na ipahuhuli raw niya ito kapag hindi nito nasugpo ang kalakaran ng iligal na droga sa lungsod.

Ang ganitong pagbabanta ay kaya rin kayang gawin ni P-Duterte sa kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio ng Davao City? Hanggang ngayon kasi ay talamak pa rin ang kalakaran ng iligal na droga sa Davao City, boom!

◘◘◘

MALI NA SIRAAN SI MAYOR ORETA PARA LANG IBOTO ANG “MANOK” NI P-DUTER­TE—Ang pagbabanta ni P-Duterte kay Mayor Len Oreta ay ginawa niya sa proclamation rally ng mga kandidato niya sa pagka-senador at sa lokal na posisyon sa Malabon City.

Ang “manok” ni P-Duterte sa pagka-alkalde ng Malabon City ay si Vice-Mayor Jeannie Sandoval.

Kaya kung pakasusuriing mabuti, lumalabas na sinisiraan lang ng pangulo si Mayor Oreta sa isyu ng iligal na droga para ang “manok” niyang si Sandoval ang iboto ng mga taga-Malabon, period!

◘◘◘

MGA NARCO-COP, NAGKA­KAPERA NA SA ILIGAL NA DROGA, NAGKADOBLA­DONG SUWELDO PA — Inamin ni P-Duterte na kaya raw hindi masugpu-sugpo ang problema sa iligal na droga ay dahil may mga pulis na sangkot sa kalakaran nito sa bansa.

‘Yun naman pala, eh, bakit dinoble pa ang suweldo ng mga pulis?

Kaya ang nangyari tuloy, pati ang mga narco-cop na kumikita ng limpak-limpak na salapi sa iligal na droga ay nabiyayaan ng dobladong suweldo, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page