Kaukulang parusa sa Landscape Architect na gumagamit ng expired na lisensiya
- BULGAR

- Apr 4, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Matagal nang nagpaplanong magpagawa ng dream house ang kaibigan ko kaya naman talagang gusto niyang maging maayos at maganda ito. Ang problema, mayroon siyang nakatransaksiyon na Landscape Architect at napag-alaman namin na paso na pala ang gamit nitong lisensiya. Gusto naming malaman kung ano ang kaparusahan ng Landscape Architect na o nagtangkang gumamit ng expired na lisensiya? — Amarah
Dear Amarah,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 33 ng Republic Act No. 9053 o mas kilala sa tawag na “Philippine Landscape Architecture Act of 2000” kung saan nakasaad na;
“Section 33. Illegal Practice of Landscape Architecture and Penalties. –
x x x
x x x
Any person who shall attempt to use a revoked, suspended or invalid certificate of registration/professional license x x x shall upon conviction by the court suffer penalties.
The penalties for the mentioned illegal practices shall be a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000), no more than Two hundred thousand pesos (P200,000) or imprisonment of not less than six (6) months nor more than three (3) years, or both fine and imprisonment at the discretion of the court: Provided, That if the violation is committed by an alien, he/she shall be immediately deported after payment of fine or service of sentence without any further proceedings.” [Binigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, pinapatawan ng kaukulang multa mula limampung libong piso (P50,000) hanggang dalawandaang libong piso (P200,000) at pagkakakulong mula anim (6) na buwan hanggang tatlong (3) taon ang sinumang gagamit o gumamit ng nareboka nang lisensiya ng Landscape Architect.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments