Kahit may mga pinapatay na | DROGA, LALONG LUMALA — DIGONG

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang magagawa upang makontrol ang illegal drugs sa bansa.
Aniya, lalo pang tumindi ang kalakaran ng iligal na droga kasunod ng pagkakasabat ng drug shipments ng mga awtoridad.
Kaya dumating na umano sa puntong halos sumuko na ang gobyerno sa pagsugpo nito.
Aniya, problema na ito sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa China, Taiwan at iba pang bansa.
“Ang droga hindi ko nga makontrol. P— ina, pinapatay ko na ang mga hindot na ‘yan.
Nandiyan pa rin ‘yung droga. Mas lalo tuloy tumindi,” pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa campaign rally sa Bgy. Potrero, Malabon City.
“Kaya ang tanong naman ng mga ibang opisyal, ito ba’y tagumpay? Kasi sabihin ko sa inyo hindi because worldwide ‘yan. It’s a worldwide problem ngayon ang droga pati China, Taiwan. At marami na ang tinamaan,” paliwanag ng pangulo.
Muli rin nitong binatikos ang pagkakasangkot ng mga pulis sa kalakaran ng iligal na droga na tila pinaglalaruan ang mga Pilipino.
“Kaya itong isang siyudad ‘pag pumayag ang mayor pati pulis, patay na. Kasi kung ayaw ng mayor, ayaw ng chief of police, walang droga,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Matatandaang, umani ng pambabatikos mula sa mga kritiko hanggang sa ibang bansa ang kampanya kontra iligal na droga.





Comments