Kagawad niratrat, utas

PINAGBABARIL ng hindi pa tukoy na lalaki ang isang barangay kagawad sa Iloilo City.
Dead-on-the-spot sa tatlong tama ng bala ng baril si Joel Obregon, 58, kagawad ng Bgy. Pali, Mandurriao, na dati ring kapitan sa lugar.
Batay sa inisyal na ulat ng Mandurriao Municipal Police Station, alas-9:00 ng gabi ng Martes nang isagawa ang pamamaril sa biktima ng angkas sa motorsiklo.
Pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang sundan ito ng mga suspek.
Hindi inaalis sa imbestigasyon na politika ang dahilan sa paglikida kay Obregon dahil nakatakda umano itong kumandidatong muli sa pagkakapitan.





Comments