top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Habang natutulog KELOT PINAGBABARIL, UTAS

  • Levi Gonzales
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang 19-anyos na binata sa Bgy. Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon.

Base sa ulat, pasado alas-7:00 ng umaga nang nakarinig umano ng ilang putok ng baril ang ina ng biktimang si alyas Jerome.

Agad nitong pinuntahan ang silid ng kanyang anak kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Mga tama ng bala sa ulo at katawan ang sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo maging ang responsable sa naturang krimen.

Narekober sa silid ang 4 basyo ng bala mula sa cal .45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page