top of page
Pokwang.jpg

FLOYD, INISNAB NI PACMAN SI THURMAN ANG INASIKASO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
2 min read

NASA bansa man at nagbabakasyon sa Boracay at sa iba pang magagandang isla sa Pilipinas si American boxing superstar Floyd Mayweather, Jr., tila walang paki si Senador Manny Pacquiao.

Bagamat may bali-balita nang rematch ang dalawa, pero parang pakipot pa rin ang mamang itim. “I’m very, very thankful,” ayon kay Floyd “Manny Pacquiao is a true champion, a future Hall of Famer, a hell of a fighter. I wish him nothing but the best.”Kaya ngayon ay mukhang inaayos na ang isang malaking boxing welterweight title bout ngayong summer.Inaasahang dedepensahan ni WBA champion Keith Thurman (29-0-1 NC, 22 KOs) ang kanyang titulo laban sa alamat na si Manny Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) sa Hulyo, ayon sa Ring Magazine ni Mike Coppinger. Target na petsa ng dalawa ang Hulyo 13 o kaya ay Hulyo 20 pero hindi pa batid ang lugar kung saan. Magsisilbing itong headline ng Premier Boxing Champions pay-per-view na dadalhin ng FOX o ng Showtime production.

Nitong Enero lamang nagbalik sa eksena si Thurman mula sa dalawang taon na pagpapahinga at pagpapagaling sa injuries niya mula sa pagdepensa niya ng titulo laban kay Josesito Lopez. Magiging tune-up fight lamang sana iyon, pero pinahirapan si Thurman ni Lopez, ilang ulit na nasaktan sa ilang rounds pero siya pa rin ang nagwagi sa majority decision.

Umiskor pa si Thurman ng knockdown kay Lopez habang hindi naman napabagsak ni Lopez si Thurman. Binakante ni Keith ang kanyang WBC belt na napagwagian niya kontra Danny Garcia noong 2017 dahil na rin sa pagpapahinga.

Isa si Pacquiao sa all-time greats ng boxing, nakapagwagi na ng ilang major world titles sa walong iba’t ibang weight divisions. Hawak niya ngayon ang WBA “regular” title. Makaraan ang kontrobersiyal na pagkatalo kay Jeff Horn, pinayagan ni Pacquiao ang long-time promoter na Top Rank Boxing na patakbuhin ang kanyang sariling MP Promotions.

Pinabagsak sa TKO ng 40-anyos na Pinoy icon si Lucas Matthysse noong 2018 sa Malaysia at makaraan ay lumagda kay Al Haymon at Premier Boxing Champions.

Sa kanyang PBC debut noong Enero, maaga niyang dinispatsa si Adrien Broner kung saan humakot ng 400,000 views sa PPV. Kung gaano man kahina si Thurman ay gayun naman kalakas si Pacquiao pagdating sa pay-per view. Samantala, inaasahan namang si IBF champion Errol Spence Jr. na unang napabalitang lalaban kay Pacman ay sasabak sa unification bout kontra WBC king Shawn Porter.

Maaring ang magwawagi sa pagitan nina Pacman at Thurman at sa Spence-Porter ang maglalaban sa huling bahagi ng 2019 o unang bahagi ng 2020. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page