Death toll sa pagbaha sa Iran, 45 na
- Jersey Sanchez
- Apr 4, 2019
- 1 min read
MARAMING residente sa probinsiya ng Khuzestan, Iran ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha.
Base sa impormasyon, umabot na sa 45 katao ang nasawi sa mahigit dalawang linggong malakas na pag-ulan.
Nakaranas ng matinding pagbaha ang 23 sa 31 kabuuang probinsiya ng bansa.
Gayunman, hindi maiwasan ni Foreign Minister Javid Zarif na sisihin si US President Donald Trump dahil sa ipinatupad nitong US sanctions na nagresulta ng pagkaantala ng mga tulong.





Comments