top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bebot na kahit niloloko na ay hindi maiwan ang dyowa dahil sa pagmamahal

  • ROMA AMOR
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Mina, 18 years old. May boyfriend ako na ilang ulit ko nang na­huling may kalaguyong iba. Palagi ko siyang na­ki­­kitang may ka-chat, minsan ay nakiki­pag­kita pa siya. Gusto ko na si­yang sukuan, pero hindi ko magawa dahil mahal ko siya at sa panunuyo niya ay na­wawala na la­hat ng galit ko, nakalili­mutan ko na ang lahat ng inis ko. Si­nusuyo lang niya ako sa tuwing da­rating ang pun­tong hi­walayan, pero sa tuwing normal na araw, palagi siyang wa­lang panahon sa akin. Tama bang itinutu­loy ko pa rin ang pakiki­pagre­lasyon sa kanya? — Mina

Mina,

Alam mo, iha, bata ka pa, marami ka pang ma­kikilala na magmamahal sa iyo ng totoo. Sa paki­kipagrelasyon, kailangan tapat kayo sa isa’t isa. Kung sinubukan mo na siyang kausapin at sinabi mo na ang dahilan kung bakit gusto mo nang ma­kipaghiwalay sa kanya, pero hindi pa rin siya nag­babago, nangangahu­lu­gan lang ‘yun na hindi ka talaga niya mahal. Tan­daan mong sa relasyon, hindi mo kinakailangang manghingi o manlimos ng kahit kaunting oras, lalo na kung siya naman ang nagbigay ng motibo sa iyo para ma­ha­lin mo siya. Hiwalayan mo na siya at ha­yaan mo na siya sa ibang kalaguyo niya. Sa susunod, huwag kang mag­palinlang sa mga pogi at guwapong la­laki, ga­yundin, huwag kang mag­padaan sa ma­tatamis ni­lang salita. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page