Banta ni P-Digong: Mayor ng Malabon, ipatatapon sa Manila Bay 'pag hindi umaksiyon kontra droga,

NAKITA natin ang video clip sa FB ng black propaganda kontra kay Paolo Duterte.
Masyadong “perfect” ang iskrip kaya bistadong peke!
◘◘◘
GUMAMIT ng mahusay na voice over sa video clip.
Mas mainam sana ay na-video-han nila ang tattoo ni Paolo sa likuran, ‘yan ang malinaw na ebidensiya.
Pero, itsinismis ulit ang codename ng tattoo imbes na naglabas sila ng photo shot!
◘◘◘
RUMESBAK naman si Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa mga drug protector.
Nagbanta ito sa alkalde ng Malabon City na sugpuin ang illegal drugs sa siyudad para hindi umano maipatapon sa gitna ng Manila Bay!
◘◘◘
MASELAN ang banta ng pangulo sa ginanap na rally ng PDP-Laban sa Malabon, kamakalawa.
Ipaaaresto raw nito ang alkalde.
Huh, hindi nga?
◘◘◘
“Mayor, linisin mo ang Malabon. Bigyan kita isang buwan kung hindi ipahuli kita at ipatapon sa Manila Bay,” banta ni Pangulong Duterte na narinig ng taumbayan.
He-he-he!
◘◘◘
NILINAW ni Pangulong Duterte na handa siyang magpakulong o mabitay kung ito ang kapalit ng kanyang “war on drugs”.
Bilang solusyon kontra iligal na droga, inendorso ni Pangulong Duterte si Vice-Mayor Jeanie Sandoval bilang mayor sa naturang miting de-abanse!
◘◘◘
BINALAAN din ng pangulo ang mga pulitiko na huwag gumamit ng goons at mga maton sa kampanya.
Winarningan din niya ang mga pulis na huwag makiaalam sa eleksiyon sa Malabon City!
◘◘◘
“HUWAG kayo magkamali riyan na magamit kayo as goons, padadalhan ko talaga kayo ng isang batalyon dito sa Malabon. I will not allow na magamit ang mga pulis at sundalo sa politika,” banta ni Pangulong Duterte.
Aminado ang pangulo na kahit marami nang napatay, nagiging grabe pa rin ang sitwasyon.
Ito umano ay dahil sa nagmumula ang suplay sa ibang bansa!
◘◘◘
“Ang droga hindi ko makontrol. P— ina, pinapatay ko na ang mga hindot na ‘yan. Nand’yan pa rin ‘yung iligal na droga. Mas lalo tuloy tumindi,” garapal na wika ng pangulo.
Inanunsiyo niya na ibubunyag niya ang modus-operandi!
◘◘◘
“It’s a worldwide problem ngayon ang iligal na droga pati China, Taiwan at marami na ang tinamaan,” pag-amin ni Pangulong Duterte.
Sinabi ng pangulo na ibubunyag niya ang mga ebidensiya laban sa mga drug lord sa linggong ito.
Hihintayin natin ‘yan!





Comments