top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktor, game… KIRAY, UMAYAW SA TIKIMAN NILA NI POLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

LATE dumating si Ki­ray Celis sa premiere night ng comedy-love story movie nila ni Polo Ravales na Portrait of My Love na produced ng RJ 7 Films at mula sa direction ni Apo Manan­sala.

Ang paliwanag ni Kiray, coding siya, kaya sinabihan siya ng press people na dapat ay nag-Grab na lang siya. Ang nangyari tuloy, late ang simula ng screening dahil hinintay pa siya.

May eksena sa Portrait of My Love na muntik mag-kiss sina Kiray at Polo, pero hindi natuloy. Payag naman pala si Polo na halikan si Kiray. Ibig kayang sabihin, si Kiray ang umayaw?

Sa mga nakapanood na ng pelikula, namatay ang karakter ni Kiray, pero bumalik at nagmu­multo para mahuli ang pumatay sa kanya at bumaril kay Polo. May mga nakakatawang eksena na tatawanan ng moviegoers.

Kasama rin sa cast sina Jeffrey Quizon, Jeffrey Santos, Cai Cortez, Rez Cortez at marami pang iba.

Kasala ni Polo ang fiancee niya at kasama ni Kiray ang boyfriend sa premiere night, pero hindi nagpakita sa press. Ang sabi ni Kiray, businessman ang BF na kaedad niya at wala pa silang balak pakasal.

Anyway, sabi ni Kiray, wala siyang kontrata sa GMA-7, pero ang pangako sa kanya, hindi siya mawawalan ng trabaho na natutupad dahil sunud-sunod ang guesting niya.

Kasama rin siya sa cast ngLove You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado at bestfriend ni Jennylyn ang role niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page