top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AGAWAN SA SOLONG 2ND PLACE ANG ATENEO AT LETRAN SA ASPIRANTS CUP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

MAG-AAGAWAN sa solong ikalawang puwesto ng Aspirants Group ang Cignal-Ateneo at Petron-Letran sa pagtutuos nila ngayong hapon sa pagba­balik ng aksiyon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kasama ngayon sa 3-way tie sa ikalawang posis­yon ng Che’lu Bar and Grill ang Blue Eagles at ang Knights hawak ang markang 3-1, panalo-talo kasunod ng mga nangungunang University of Santo Tomas at St. Clare College-Virtual Reality (4-0).

Ganap na 2 p.m. ang sagupaan ng Cignal-Ateneo at ng Petron-Letran kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Batangas-Emilio Aguinal­do College at ng Go-for-Gold-College of St. Benilde ganap na ika-12:00 ng tang­hali. Magtutuos sa ikatlong laro ng nakatakdang triple bill ang SMDC-National University at Metropac-San Beda College ganap na alas-4:00 ng hapon.

Unahang makapagposte ng ikalawang panalo ang Generals at ang Scratchers na kasalukuyang nasa 3-way tie sa ikatlong posisyon ng Aspirants Group kasalo ng AMA Online Education hawak ang barahang 1-3. Magtatangka namang makapagsolo ng Movers mula sa pagkakatabla nila sa ikalawang puwesto ng Foundation Group kasama ng Valencia City-San Sebastian College at Wang’s Basketball taglay ang barahang 3-1 para makadikit sa solong lider na Centro Escolar University (4-0). (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page